Paghahanap ng Trabaho
Naghahanap ng trabaho o bagong karera?
Matutulungan ka ng Job Resource Centre na makahanap ng bagong trabaho sa Banff.
Nag-aral o nagsanay ka ba sa labas ng Canada?
Matutulungan ka naming makilala ang iyong mga kredensiyal para makahanap ka ng propesyonal na trabaho.
Libre ang mga serbisyo at inaalok ito sa mga wikang Ingles at Pranses.
Kontak:
The Job Resource Centre
304 Caribou Street
Mga Panuntunan sa Pagtatrabaho
Ang lahat ng mga manggagawa ay may karapatan sa Canada.
May mga karapatan at responsibilidad ka bilang isang empleyado.
Alamin ang mga batas sa Alberta para sa:
Minimum na sahod, mga pista opisyal, pagliban sa trabaho, bakasyon, oras ng trabaho, suweldo, mga kabataang manggagawa, pagpapatalsik sa trabaho, at higit pa.
Kontak:
Employment Standards
Contact Centre
1.877.427.3731 (Toll Free)
Helpline ng mga Pansamantalang Dayuhang Manggagawa
1.877.944.9955 (Toll Free)