EnglishJapaneseTagalogTigrinyaFrench
 
 

Patakarang Need-To-Reside

Naghahanap ng mauupahan o mabibiling tirahan sa Banff?

  • Para makatira sa Banff, kailangan ay  nagtatrabaho ka sa Banff.

  • Tinitiyak ng patakarang ito na may pabahay para sa mga taong nagtatrabaho sa komunidad.

Kontak:

Town of Banff


Mabibiling Murang Pabahay

Tulong sa abot-kayang pagmamay-ari ng bahay.

  • Makabibili ka ng tirahan sa Banff sa bukas na merkado o sa pamamagitan ng Banff Housing Corporation.

  • Ang Banff Housing Corporation ay nagbebenta sa pinaghihigpitan, abot-kayang presyo at equity share na pabahay.

  • Kailangang matugunan mo ang ilang pamantayan para makabili ng bahay ng Banff Housing Corporation.

Kontak:

Banff Housing Corporation,
547 Coyote Lane, Unit 2006

403.762.1115


 
triangles-5.png
 

Paghahanap ng Mauupahang Tirahan

Mga katotohanan sa pangungupahan sa Banff.

  • Mula $600 hanggang $1500 kada buwan ang upa para sa isang bahay na may ibang mga kasama.

  • Mula $800 hanggang $4500 kada buwan ang upa saisang buong apartment.

  • Hindi naglalabas ng patalastas ang ilang kasero. Nagpapaupa sila sa mga taong kilala nila o inirekumenda sa kanila. Kaya ipaalam sa mga kaibigan na naghahanap ka ng mauupahan.

  • Maghanap ng mga listahan ng paupahan online sa Bow Valley Home Finders o sa Bow Valley Nest Finders sa Facebook, Banff/Canmore Kijiji at sa mga lokal na kompanya sa pangangasiwa ng ari-arian.

Kontak:

Town of Banff

Murang Mauupahang Pabahay

Tulong sa paghahanap ng murang pabahay.

  • Ang Banff Housing Corporation ang isa sa mga pinakamalaking tagapagbigay ng abot-kayang paupahang pabahay sa Banff. Kailangang matugunan mo ang ilang pamantayan para mangupahan  sa isang paupahan ng Banff Housing Corporation.

Kontak:

Banff Housing Corporation,
547 Coyote Lane, Unit 2006

403.762.1115

  • Nag-aalok ang Banff YWCA ng pansamantala at permanenteng abot-kayang pabahay para sa mga matatanda lamang.

  • Kailangan ay may permanente kang trabaho para maging karapat-dapat sa  pabahay.

  • Ilalagay ka sa isang wait list para sa  pabahay na ito.

Kontak:

Mag-aplay nang personal sa YWCA Banff, 102 Spray Avenue

403.762.3560

Email: residenceco@ywcabanff.ca


 
 

Emerhensiyang Kanlungan

Bow Valley Women’s Emergency Shelter.

  • Nagbibigay ng ligtas na espasyo para sa mga indibidwal at pamilyang tumatakas sa domestiko o sekswal na karahasan sa rehiyon ng Bow Valley.

Tumawag sa 403.760.3200 o sa 403.762.3560 pagkatapos ng mga oras ng opisina.

Bow Valley Homeless to Housing Coalition (H2HC).

  • Makatutulong sa iyo kung wala kang mahanap na matitirahan.

Tumawag sa 403.678.7130 o sa 403.760.3200

 

 

Pabahay para sa Kawani

Magtanong tungkol sa pabahay ng kawani kapag naghahanap ka ng trabaho.

  • Kadalasan ay may kasama ka sa  pabahay ng kawani, at karamihan ay hindi pinapayagan ang mga bata.

  • Kadalasan ay ikinakaltas sa iyong sahod ang bayad sa upa.

Kontak:

Job Resource Center Staff Housing Guide