EnglishJapaneseTagalogTigrinyaFrench
 
 

Pagiging Abot-kaya

Naghahanap ng impormasyon sa mga abot-kayang programa at serbisyo?

  • Ang Town of Banff ay nag-aalok ng pagpopondo, tulong, at suporta para matiyak na nananatiling aktibo at nakikilahok ang lahat ng mga  mamamayan.

  • Ang Bow Valley Affordability Guide ay isang komprehensibong lokal  na mapagkukunan sa pagtitipid ng pera sa BowValley.

  • Regular na binabagong listahan ng mga libre o murang bagay  na magagawa sa Banff.

  • Ang pag-akses sa pagkain at mga serbisyong pantulong sa komunidad ay hindi makakaapekto sa iyong estado sa Canada o sa kakayahang mag- isponsor ng iba para sa imigrasyon.

Kontak:

Town of Banff, 110 Bear Street


 
affordability-background.png
 

Makatipid ng Pera sa Banff Access Card

 
 

Makakakuha ng mga diskuwento sa transportasyon at sa mga programa at produkto ng mga serbisyo sa komunidad.

  • Libre sa mga residente ng Banff na 18 taon gulang pataas at sa kanilang mga anak.

  • Maaari kang kumuha ng Access Card kung 3 buwan ka nang nakatira sa Banff at kung natutugunan mo ang mga kwalipikasyon sa kita.

  • Alamin kung kwalipikado ka sa banff.ca/access.

Kontak:

Town of Banff, Community Services
110 Bear Street 403.762.1251

 

 

Murang Pagkain

Maraming lugar sa Banff na mapagkukunan ng murang pagkain.

 

Banff Food Rescue

  • Makakatanggap ka ng mga pagkaing tulad ng tinapay, prutas, gulay, gatas, juice, at marami pa.

  • Libre sa mga nangangailangan, o sa pamamagitan ng donasyon.

Kontak:

215 Banff Ave, Lower Level
Sundance Mall

Punan ang form dito:

Bow Valley Good Food Box

  • Bumili ng mga sariwang prutas at gulay sa napakababang halaga.

  • Pick up lamang.

Banff Food Bank

  • Maaari kang kumuha ng isang kahon  ng pagkain hanggang 6 na beses sa isang taon, libre para sa mga nangangailangan.

  • Kailangan mong magpakita ng pagkakakilanlan.

  • Ang mga indibidwal at pamilya ay kailangang mag-book ng appointment.

Kontak:

Banff Park Church (back door),
455 Cougar Street

403.762.1060

Email: banff.food.bank@gmail.com

Bow Valley Food Alliance

  • Tumutugon sa mga isyu tungkol sa akses sa abot-kaya, masustansiya, at sariwang pagkain sa koordinadong paraan.

  • Ang impormasyon tungkol sa tulong  sa pagkain ay makukuha ng mga residente   ng Bow Valley.

  • Interaktibong mapa ng komunidad para mahanap ang iba’t ibang mga mapagkukunan ng pagkain.

Community Table

  • Libre at masustansiyang pagkain kasama ang mga mababait na tao.

  • Magdala ng sarili mong reusable na bag o lagayan ng pagkain para maiuwi ang pagkain.

  • Lingguhan, 12 - 1 p.m.

Magpapatuloy kapag lumuwag ang mga paghihigpit sa COVID-19, bumisita sa banff.ca/events para sa mga petsa at oras.

BanffLIFE Pasta Night

  • Ang mga kabataan sa Banff na edad  18-30 ay nag-eenjoy ng lingguhang $3 na pagkaing pasta

Kontak:

101 Bear Street, Pioneer Room

Magpapatuloy kapag lumuwag ang  mga paghihigpit sa COVID-19, bumisita sa banff.ca/events para sa mga petsa at oras.

Chili Night

  • Libreng lingguhang chili dinner.

Where to go:

Banff Park Church, 455 Cougar Street

Magpapatuloy kapag lumuwag ang mga paghihigpit sa COVID-19, bumisita sa banff.ca/events para sa mga petsa at oras.

 

 

Pamahalaan Ang Iyong Pera

 
 

Humingi ng tulong sa pamamahala ng pera, utang at buwis.

Libreng Paghahanda ng Buwis sa Kita

  • Ang mga serbisyo ay ibinibigay sa buong taon.

  • Makakuha ng libreng tulong sa pagsumite ng buwis sa kita at mga pabalik na benepisyo

Para malaman kung kwalipikado ka at para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa:

 

Tulong sa Pamamahala ng Iyong Pera

  • Kumuha ng impormasyon tungkol sa pagbabangko, kredit, at pamamahala ng mga utang.

  • Alamin kung paano gumawa at sumunod sa isang badyet.

Para Mag-book ng Appointment:

403.762.1251

Email: community.services@banff.ca

Money Mentors Program

  • Humingi ng tulong sa pamamahala ng pera, utang, kredit, at pagreretiro.

  • Lumahok sa mga online na klase sa edukasyong pinansiyal.

1.888.294.0076 (Toll Free)

 

 

Tulong Pinansiyal sa COVID-19

Alamin ang tungkol sa mga benepisyo at tulong kaugnay sa COVID-19 na maaaring kwalipikado ka.

Maaaring kwalipikado ka sa mga pinansiyal na benepisyo at tulong  dahil sa COVID-19:

  • Mga empleyado at mga indibidwal na may sariling hanapbuhay.

  • Mga hindi makapagtrabaho dahil kailangang alagaan ang mga anak na wala pang 12 taong gulang o mga kapamilyang nangangailangan ng binabantayang pangangalaga.

  • Mga indibidwal na hindi makapagtrabaho dahil may sakit o kailangang ibukod ang sarili dahil sa COVID-19 o may kondisyon sa kalusugan na naglalagay sa kanila sa panganib.