EnglishJapaneseTagalogTigrinyaFrench
 
 

Sakop ng Segurong Pangkalusugan

Alberta Health Care Insurance Plan (AHCIP)

Siguruhin na  rehistrado ka para makatanggap ng mga serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan.

  • Ang mga bago o bumabalik na residente ng Alberta ay kailangang magrehistro sa AHCIP para hindi ka magbayad para sa mga serbisyo ng ospital o ng doktor.

  • Sa pagrerehistro, kailangan mong magbigay ng patunay ng:

    • Pagkakakilanlan (photo ID mula sa pamahalaan).

    • Katayuan sa Canada (pasaporte, sertipiko ng kapanganakan, permanenteng paninirahan, permit sa trabaho).

    • Paninirahan sa Alberta (liham mula sa tagapag-empleyo, kasunduan sa pangmatagalang pag-upa, kontrata sa trabaho).

    • Ipakita ang iyong Alberta Health Care Card at pagkakakilanlang may larawan  kapag nakipagkita ka sa sinumang propesyonal sa kalusugan.

Kontak:

The Banff Registry,
103, 211 Bear Street

Dagdag na Seguro sa Kalusugan

Ang lahat ng serbisyo ay hindi sakop ng AHCIP.

  • Ang mga reseta  at pangalawang serbisyo sa kalusugan (dentista, optometrista, pisyoterapista, atbp.) ay hindi sakop ng AHCIP.

  • Magtanong sa AHCIP kung kwalipikado ka sa mga programa  sa benepisyong pangkalusugan na  ito:

    • Mga programa sa benepisyong pangkalusugan para sa may mababang kita para sa mga bata at matatanda.

    • Mga benepisyo at programa para sa mga nakatatanda.

    • Mga benepisyo, kagamitan, at suplay ng Alberta Aids and Daily Living.

 

Dagdag na sakop para sa mga karagdagan at di-inaasahang gastos.

  • Nagbibigay ang Alberta Blue Cross ng mga serbisyo para sa mga Albertan sa paraang di- kumikita para sa pinansiyalna proteksiyonat pansariling kagalingan.

  • Pumili ng seguro para sa bawat uri ng benepisyo sa kalusugan, kabilang ang mga preskripsiyon na gamot, pangangalaga ng ngipin, pangangalaga ng paningin, nais na akomodasyon sa ospital, emerhensiyang medikal sa paglalakbay, ambulansiya, home nursing at chiropractor, gayundin ang life insurance at pangmadaliano pangmatagalang coverage ng kapansanan para sa mga indibidwal, pamilya, at nakatatanda.


Sentro ng Kalusugan ng Komunidad

Maraming mga serbisyong pangkalusugan sa Banff.

  • Kabilang sa mga libreng serbisyo na sagot ng Alberta Health sa Sentro ng Kalusugan ng Komunidad ang:

    • Mga pagbabakuna (para protektahan ka sa mga sakit).

    • Mga serbisyong pangkalusugan  sa paglalakbay.

    • Healthy Child Services (pagbabakuna at edukasyong pangkalusugan para sa mga magulang).

    • Healthy Moms Healthy Babies.

    • Pagpapayo sa nutrisyon.

    • Mga serbisyo sa pagpapasuso ng sanggol.

    • Mga klinika ng Dyabetes.

    • Pagpapayo sa kalusugang pangkaisipan.

 

Kontak:

Banff Community Health Centre,
300 Lynx Street

403.762.2990


 
health-background-big.png
 

Impormasyong Pangkalusugan Kaugnay ng COVID-19

Alamin kung paano mapoprotektahan ang sarili at ang iba mula sa COVID-19 at kung ano ang gagawin kapag nalantad ka.

  • Pagtataya at pagsusuri para sa COVID-19

  • Mga kasalukuyang paghihigpit ng pampublikong kalusugan.

  • Pagbabakuna sa COVID-19

  • Tulong sa espasyo para sa pagbubukod.

  • Mga benepisyo sa pagkakasakit.

 
 

Maghanap ng Doktor

Maghanap ng doktor sa Banff gamit ang Bow Valley Primary Care Network.

  • Kakailanganin mo ang iyong Alberta Health Care card/numero para makapag-book ng appointment.

Kontak:

Banff Bow Valley Primary Care Network,
205, 111 Banff Avenue

Call 403.985.7670

 

 

Kalusugang Pangkaisipan at Adiksiyon

Mabilis kang makakahingi ng tulong para sa kalusugang pangkaisipan at adiksiyon.

Kailangan agad ng tulong?

  • May mga magagamit na KAGYAT na   pangangalaga at pagpapayo para sa kalusugang pangkaisipan. Hindi kailangan ng appointment.

  • Nakaantabay ang mga tagapayo 2 - 9 p.m. araw- araw.

Kontak:

Banff Mineral Springs Hospital,
305 Lynx Street

403.762.2222

Helpline para sa Kalusugang Pangkaisipan at Adiksiyon

May magagamit na suporta sa kalusugang pangkaisipan pagkatapos ng regular na oras ng opisina anumang oras, sa araw at sa gabi:

1.877.303.2642 (Toll Free)

24 Oras na Crisis Line ng Distress Centre

1.888.787.2880 (Toll Free)

Magtakda ng iskedyul para sa di- agarangtulong.

  • Magagamit ang DI-AGARANG pagpapayo para sa kalusugang pangkaisipan sa pamamagitan ng appointment.

  • Ang pagpapayo ay para sa mga indibidwal, grupo,kabataan, o pamilya.

  • Humingi ng tulong para sa depresyon, pagkabalisa, pagkagumon sa alkohol at droga, at pagsusugal.

Ang mga oras ay Lunes - Biyernes, 8:15 a.m. - 4:30 p.m.

 

Kontak:

Bow Valley Mental Health
and Addiction Services, Suite 101,
743 Railway Avenue, Canmore

Kailangan ng appointment para sa pagpapayo kaugnay sa kalusugang pangkaisipan at adiksiyon:

403.678.4696

 

 

Pang-aabusong Seksuwal

Ang pang-aabusong sekswal ay ang di- ginustong sekswal na akto o gawain na ipinilit sa isang tao nang wala ang kanyang pahintulot.

Maraming lugar na mahihingan ng tulong sa Banff kapag nangyari ito sa iyo.

  • Nangyayari ang pang- aabusong sekswal sa anumang relasyon, kasama a ng sa mag-asawa.

  • Maaaring maging biktima ng pang-aabuso o karahasan ang lalaki at babae.

  • Hindi mo kasalanan kung inabuso ka.

  • Hindi ka nag-iisa. Marami kang mahihingan ng tulong.

Kontak:

Banff YWCA

403.762.3200 Monday - Friday, 9 a.m. - 5 p.m.
403.762.3560 After 5 p.m.

 

Bow Valley Harmony Project

403.760.3200

Mag-email sa: support@ywcabanff.ca

Bow Valley Victim Services

403.760.0197 (Day)
403.762.2226 (Night)

Banff Mineral Springs Hospital,
305 Lynx Street

403.762.2222 (24 Oras)

Banff RCMP (Police), 335 Lynx Street

I-dial ang 9-1-1 para sa kagyat na mga emerhensiya, 24 Oras bawat araw.

403.762.2226 (Di-kagyat, 24 Oras bawat araw)