EnglishJapaneseTagalogTigrinyaFrench
 

Mga Serbisyo ng Paninirahan sa Bow Valley

Alamin ang mga serbisyo para sa mga imigrante, refugee, at live-in na tagapag-alaga

  • Humingi ng tulong sa iyong mga pangangailangan sa paninirahan at masagot ang iyong mga katanungan tungkol sa pamumuhay sa Canada.

  • Makipag-ugnayan sa mga social network, serbisyong pangkomunidad, impormasyon, at mga aktibidad sa Banff at sa Bow Valley.

  • Lumahok sa mga workshop para sa muling pagsasama ng pamilya, pagkamamamayan, pag-aaral sa Canada, at higit pa!

Kontak:

Settlement Services,
Town of Banff, 110 Bear Street

Email: settlement.programmer@banff.ca

403.762.1144

 

community-background-1.jpg

Suporta para sa Mga Dayuhang Manggagawa

  • Humingi ng tulong tungkol sa mga usapin sa trabaho at pamumuhay sa Banff at sa Bow Valley.

  • Tulong sa pag-renew ng permit sa pagtatrabaho at sa pag-apply para maging Permanenteng Residente ng Canada

Kontak:

Foreign Worker Support,
Banff Town Hall, 110 Bear Street

Email: tfw@banff.ca

403.763.1700

 

 
 

Mga Libreng Pagsali sa Isports, Libangan at Higit Pa

Ang lahat ng mga residente ng Banff ay  puwedeng lumahok sa mga libreng sesyon.

  • Kabilang sa mga libreng aktibidad ang yoga, pilates, soccer, pickleball, at marami pa.

  • Limitado ang bilang ng makalalahok.

  • Ang mga residenteng 18 taong gulang pataas ay kailangang magbayad ng taunang administratibong halaga na $10.

Kontak:

Town of Banff

Sumali sa mga ‘Libreng Programang Pang-isports at Libangan’

 
 

Bow Valley Kidsport

  • Humingi ng tulong sa pagbayad ng bayarin sa rehistrasyon para sa isports ng  iyong anak.

  • May mga grant na hanggang $500 bawat bata, bawat taon para sa mga batang wala pang 18 taong gulang.

1-888-227-2512 (Toll Free)


 
 

Mga Programa at Klase na Panlibangan

Maaari kang lumahok sa mga kurso at sumali sa mga programang isports at panlibangan mula sa yoga, hanggang sa paunang lunas at mga panlabas na abentura.

  • Ang mga  kurso at aktibidad ay para sa lahat ng mga grupo ng edad.

  • Ang ilang programa ay libre

  • Nagpapahiram kami ng mga kagamitan nang libre: tennis, basketbol, putbol, badminton, croquet, at marami pa.

Kontak:

Town of Banff, 110 Bear Street

403.762.1251

Bow Valley Canadian Tire Jumpstart

  • Tinutulungan ng programang Jumpstart ang mga bata mula sa mahihirap na pamilya na lumahok sa mga organisadong  isports at libangan.

  • Sagot ng programa ang mga gastos sa rehistrasyon, kagamitan, at transportasyon.

  • Makatatanggap ng hanggang $250 para sa mga panlibangan na aktibidad ng mga bata.

Kumpletuhin ang form ng aplikasyon sa:

 

 

Mga Aktibidad ng Pamilya  

Ang Banff ay isang bayang pampamilya.

  • Ang Family Resource Network ay nagbibigay ng suporta sa mga magulang at tagapag-alaga.

  • Libreng pagpunta sa palaruan ng Family Connections para sa mga  magulang at sa mga anak nilang 0-5 taong gulang.

Kontak:

Family Resource Network, 101 Bear Street

403.762.1251

 
 

 
 

Wika, Literasiya, at Pag-aaral

 

Maraming paraan para matutuhan ang Ingles.

  • Puwede mong piliin ang online, pag-aaral sa bahay, o pag-aaral sa s ilid-aralan.

  • Libre o mura lamang ang mga  programa.

Mga programa sa pag-aaral para sa lahat.

  • Mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat (literasiya), mga kasanayan sa kompyuter, at mga kasanayan sa paglutas ng problema para matulungan ka sa pang-araw-araw na buhay at trabaho.

  • Mga libre at murang programa at suporta para sa mga matatandang mag- aaral.

  • Makatanggap ng 50% diskuwento gamit ang Banff Access o ang Canmore Affordable Services card.

Kontak:

Bow Valley Learning Council

403.762.8114

 

 

Basura at Pagreresiklo

 

May mga basurahang ligtas sa mga ligaw na hayop at mga lagayan ng mga mareresiklong materyal sa lahat ng mga kapitbahayan na maaari mong pagtapunan ng iyong mga gamit.

  • Magtapon ng basura kung posible at iresiklo at i-compost ang lahat ng pwedeng materyales para matulungan ang Banff na makamit ang Zero Waste papunta sa landfill sa taong 2050.

  • May hiwalay na mga lagayan para sa mga patapong pagkain,  bote, at basura.

  • Ang mga ligaw na hayop ay naaakit sa basura kaya kung may makita kang basurahan o lagayan  ng mga mareresiklong materyal,  o kung may basura sa tabi ng  lalagyan, tawagan ang emergency operations line ng Town of Banff, sa  403.762.1240. Kapag lampas na sa oras ng opisina, pindutin ang 2 para sa on-call na espesyalista.

Kontak:

Hanapin ang mga lokasyon ng mga lagayan at matutunan kung paano mo paghihiwalayin ang mga basura sa:

 

 

Makipag-ugnayan sa Komunidad

 

Alamin ang nangyayari sa Banff. Makipagkilala sa mga bagong tao at lumahok sa komunidad.

Kontak:

Ang Banff Community Calendar ay may detalye ng mga okasyon, klase, workshop, aktibidad sa isports, pampublikong pagtitipon, at higit pa.

Alamin ang maraming mga oportunidad sa pagboboluntaryo sa Banff, makipagkilala sa mga bagong kaibigan at gumawa ng pagbabago.

Ang Community Resource Directory ay may impormasyon sa lahat ng mga serbisyo, organisasyon, at grupo sa Banff.

 
 

 

Sentro ng Muling Paggamit

 

Humanap ng mga bagay na kailanganin mo sa Sentro ng Muling Paggamit (Re-Use It Centre). Maraming libreng gamit na pambahay para sa mga residenteng mangangailangan nito.

  • Kabilang sa mga gamit ang mga aklat, laruan, muwebles na hindi tapiserya, plato,maliliit na kasangkapan, at mga panlabas na kagamitan.

  • Maaari ka ring magdala ng mga gamit na hindi mo na kailangan para mapakinabangan ng iba.

Kontak:

Town of Banff Waste Transfer Site,
160 Hawk Avenue, in the Industrial District

Libreng pagkuha para sa malalaking gamit na hindi na  kailangan ngunit maaari pang  magamit.

  • Kabilang sa mga gamit ang malalaking kagamitan sa bahay, muwebles, gulong, mga kalat sa bakuran, at damit.

  • Mag-iskedyul ng libreng sundo online.

  • Huwag mag-iiwan ng anuman sa tabi ng mga basurahan at lagayan ng mga materyal na mareresiklo